Monday, January 24, 2011

Dapat Baguhin ang Education System sa Pinas

Sa totoo lang, ang hirap mag-aral dito sa Pilipinas. Bakit? Eh lahat ata kase, tinuturo, hindi naman lahat na-aabsorb ng mga estudyante dito... Tingnan mo na lang sa mga high school students, kaya nasasabi na ito 'yung pinakamasayang stage kase wala naman halos ginagawa pa na magbubunga para sa kanila. Tapos, ano ang nangyayari?? Pagtapak nila sa college, madalas ang kinahahantungan nila, ang maglakbay sa iba't ibang courses kase hindi sila makapagdesisyon kung ano ba talaga ang gusto nila.Eh bakit nga ba nagkakaganon???

Dapat kase, high school pa lang, inihahanda na sila sa kung ano ba yung pwedeng pasukin nila; kung ano nga ba talaga ang gusto nila. Dapa sila iexpose sa iba't ibang field. Papaano??? Dun papasok 'yung mga educational tour. Ang sana nga lang, hindi palaging mall o amusement park ang main attraction sa ganito. Ano pa ba? Sana, gayahin natin ang sistema sa Amerika kung saan ang estudyante ang mamili ng mga courses at subjects nila; with matching na quota kung ilan ang units nila. Tapos, bawasan ang minor subjects sa college, para mas madami sila matutunan na mas importante at may koneksyon sa kanilang preffered at piniling kurso.

Opinyon ko lang 'to. Alam ko, imposible 'to pero wala naman masama kung magbigay ako ng mga suhestyon ko di ba? Isa lang naman ang pinaka-punto nito eh, sana hindi gawing "business" ng kahit anong establisyimento ang edukasyon ng bawat mag-aaral dito sa Pilipinas. Sana, hindi bulsa ang pinapaunlad kundi ang kaisipan ang mabusog sa paaralan ng bawat mag-aaral. Sana, tumaas ang quality ng edukasyon dito sa Pilipinas. 'Yun lang..